Ang Aswang sa Eskinita

Habang nililinis ko at inaalis ang putik sa pudpod kong mga tsinelas, kakaibang mga tinginan at malalakas na bulong-bulungan at ibinigay sa akin ng mga Aleng nagkukumpulan sa tapat ng tindahan ni Aling Josie. Katulad ng mga nakalipas na araw, usap-usapan na naman ang hindi magandang nangyari sa aking pamilya.

“Dios ko, kawawa naman ang mga batang iyan. Bakit ba naman kasi nagpunta-punta pa doon ang Nanay nila,” kuwento ni Aling Lolit sa kaniyang mga kumare.

“Kaya nga. Alam na kasi ang kuwento tungkol sa eskinitang iyon e talagang nagpunta pa,” sabat ni Aling Maring.

Nasanay na ako. Sa halos dalawang buwang ganito ang bumubungad sa akin sa tuwing darating ako sa Sitio Talahib mula sa halos isang kilometrong paglalakad mula eskuwela, ang pagkukuwentuhan at pagbubulungan sa amin ng mga kapatid ko ay parang bale wala na. Continue reading

Advertisements

Si Gino Gulay

“Gino Gulay” hiyaw ni Mang Luciano sa aking Kuya.

Marami nang parokyano ang Kuya Gino sa iba’t ibang tinda niya. Minsan, kakanin ang nilalako niya sa aming baranggay. Paminsan-minsan naman, balut ang kaniyang tinitinda. Ngunit pinakakilala ang aking Kuya sa iba’t ibang gulay na nilalako niya habang nasa isang batya at pasan ng kaniyang balikat. Continue reading

Nang Dahil sa Isang Pakete

Habang hinihintay kong lumabas si Toto sa x-ray room, nakipagkuwentuhan sa akin ang isang doktora na pauwi na sana. Naawa din kasi siya sa baling kamay ng inaanak ko. Tinanong niya kung ako raw ba ang tatay ng bata. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at naisalaysay ko sa doctor ang kuwento ng buhay ng bata. Habang sinasabi ko kay doktora na madalas wala ang nanay ng bata kasi lulong ito sa masamang bisyo at di na nakilala ng bata ang kaniyang ama simula pagkapanganak, di mapagilan ng doktor na mapangiwi na lamang.

Sa totoo lang, ang pag-uusap namin ng doktor na iyon ay naging eye-opener din sa akin. Marami akong bagay na naisip dahil sa reaksiyon ni doktora. Normal lang ang tingin ko sa buhay ng bata. Masaya pa nga ako pag umaalis ang nanay niya kasi madalas sa bahay ang bata—nasa oras kumain, mapayapa, at nakapaglilibang. Minsan pa nga, iniisip ko na sana ay hindi na lang din siya bumalik. Pero ang hindi ko naiisip ay ang buhay ng batang ito sa mata ng iba. Hindi ko alam kung paano niya pinaliliwanag sa mga kalaro ang kalagayan niya, kung ano ang isinasagot niya sa tuwing tatanungin siya sa paaralan kung paano sila sa bahay, kung anong trabaho ng kaniyang ina, at anong pangalan ng kaniyang ama.

Continue reading