Kain sa Labas

Kakain sa labas, nananabik na ako,
mapaparami ang kain, mapapalaki ang subo.
hindi na nakapalit nitong suot pantrabaho,
kakain sa labas, nagmamadali ako.

Umupo sa munting mesa, naaamoy ko na
ang alat sa simoy, lalong nagpakalam sa sikmura,
samahan pa ng amoy ng sawsawang suka,
kakain sa labas, ihahain na nila.

Nakalagay na sa hapag, lechong may kaliskis,
niluto sa baga, sa ibabaw ng parilyang manipis,
lalantakan ko na, kakain nang mabilis
nakahain na ang paboritong tuyo at dilis.

Kumakain sa labas, ang palaging eksena
sa tabi ng kariton, sa lilim ng punong mangga,
hindi sa restawran o maging sa karinderya,
kakain sa labas, hanggang kailan kaya?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s