Dibuho

Kanina pa niya pinagmamasdan ang kuwadro ng isang babae sa dingding ng silid na iyon. Tila isa siyang eksperto na sinisipat ang bawat detalye ng larawan. Magkahalo ang kaniyang nararamdaman. Bakas sa iba’t ibang reaksiyon sa kaniyang mukha.

Ilang minuto pa, napatawa siya nang malakas. Oo, pinagtatawanan niya ang babae sa pinta.

“Maganda ka sana, pero kung buhay ka, magmamano ako sa iyo. Sa suot at ayos mo, para kang lola.” sabi niya sa obra sabay tawa.

“Oo nga pala, hindi ka nagsasalita. Magpapakilala na lang ako. Marissa, ang pangalang dapat mong tandaan.”

“Hindi ko alam kung bakit ganyan ka mag-ayos. Sa hitsura mo, mukhang plantsa at sabon lang ang lagi mong hawak,” patuloy na sambit niya habang sinisindihan ang isang pirasong sigarilyo.

Kung titingnan nga siya at ang babae sa larawan, tunay na magkaiba sila. Mula sa nakapusod na buhok ng babae sa kuwadro kumpara sa magulong buhok niya. Gayun din ang mahabang bestida ng babae na iba sa maiksi at makintab na suot niya. Puno rin ng pustura ang mukha niya na nagpapatapang sa kabuoan ng kaniyang mukha. Hindi tulad ng sa babae na nakapinta na halos walang kolorete sa mukha.

Nakatitig pa rin siya sa naka-pinta nang may pumasok sa silid at nagwika, “Hindi ba’t napakaganda niya?”

“Maganda? Kaunti. Sino ba yan, Mama?” tanong niya.

“Siya si Marissa, bago pa man makilala ang bisyo, bago pa man iwanan ng asawa’t mga anak, bago pa man mawala sa katinuan…” sambit ng ina.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s