Tulad ng Isang Eksena sa Pelikula

Nakadungaw siya sa bintana ng bus na kaniyang sinasakyan. Damang-dama niya ang malakas na hangin sa kahabaan ng NLEx. Nilanghap lahat ng alikabok. Nagmumuni-muni.

Tulad ng isang eksena sa pelikula.

Mabilis lang ang byahe. Ilang minuto lang mula Pampanga ay nasa Balintawak na siya. Halos kalahati ng sakay ng bus ang bumaba kabilang na siya. Naglalakad siya patungong LRT station nang marinig niya ang tili ng isang babae, “Magnanakaw!” Mabilis namang hinabol ng mga kalalakihan sa lugar ang tumangay sa bag ng nakita niyang babae. Naghabulan. Nagsuntukan. Naibalik ang bag. Nagpalakpakan ang mga miron. Tulad ng isang eksena sa pelikula.

Nakasakay na siya ng LRT. Siksikan. Pagakalipas ng ilang sandali, narating niya rin ang Bambang station. Pagkababa sa LRT, nakita niya ang lalaking matagal na niyang gusto. Kumaway ito. Kumaway rin siya. Ngunit hindi pala iyon para sa kaniya, para sa babaeng nasa likod niya. Tulad ng isang eksena sa pelikula.

Habang naglalakad, narinig niya ang paborito niyang kanta sa isang bagong bukas na botika. Natuwa. Naglakad ng may paikot-ikot pa. Nakakita ng bulaklak. Pinitas niya ito inumpisahan ang “he loves me, he loves me not.” Sa “he loves me not” tumapat. Nalungkot siya. Tulad ng isang eksena sa pelikula.

Matapos ang mahabang byahe, nakauwi na rin siya sa kanilang tahanan. Inabutan niya ang pamilya niya sa kanilang sala. Nagkukuwentuhan. Sumingit siya ng kuwento ngunit parang hindi siya naririnig. Akmang tatayo na siya upang lalong magpapansin nang may nagsalita, “Bukas na pala ang third death anniversary ni Ate. Ang bilis ng panahon.” Namutla siya. Ngayon lang niya naalala na namatay siya tatlong taon na ang nakakaraan. Tulad ng isang eksena sa pelikula.

Advertisements

2 thoughts on “Tulad ng Isang Eksena sa Pelikula

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s