Paa

Dalawang haliging nakatungtong sa lupa

sampung daliri na magkakaiba ang haba

kasakasama kahit saan magpunta

kung minsan gamit na pananggala.

Larawan ka rin ng buhay sa mundo

sa iba ay makinis at maputi, malayo sa mikrobyo

iba’y nakasusulasok na amoy, tunay na mabaho

mayroon ding putok sa kalyo, pinaglamayan na’ng mga kuko.

Ngunit aral mo sa akin ay nakamamangha

simpleng huwag kong tapakan ang iba

batid kong hatid nito sa iyo ay peligro

tulad ng pagtapak sa bubog at matutulis na bato.

Kaya tulad mo, ako ay titindig

maglalakbay saanmang sulok ng daigdig

nais kong ikaw ay nakatapak lamang sa lupa

nasa ibaba man, ikaw ay mahalaga, aking mga paa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s