Isang Legit na Labor Day

Happy Labor Day!
Sa wakas, pagkatapos ng 19 na taon, mababati ko rin ang sarili ko ng “happy labor day.” Sa totoo lang, hindi ako tulad ng iba na bata pa lang ay mataas na ang pangarap. Normal lang ang pananaw ko sa buhay, hindi katulad ng mga batang bida sa mga teleserye.

“Gusto kong maging isang civil engineer.” Heto ang lagi kong sagot noong nasa elementarya ako sa mga taong nagtatanong kung ano ang gusto kong maging propesyon. Oo, iyan talaga ang pangarap ko noon. Mahilig kasi akong mag-drawing. Nang malaman kong puro math ang engineering, nanatiling drawing na lang ang pangarap na iyon.

Grade 6 ako nang una kong nakamit ang tagumpay sa larangan ng pagsulat. Nanalo ako sa Press Conference sa San Jose del Monte. Ikaapat na puwesto sa pagsulat ng balita. Ang tagumpay kong iyon ang nagsilbing pasaporte ko sa biyaheng ito na kasama ang aking panulat.

Nagpatuloy ako sa pagsulat. Nagpatuloy din akong tumanggap ng mga puna at kritisismo sa aking mga sulatin. Hanggang sa kinuha ko ang kursong Bachelor in Journalism.

Matapos ang apat na taon, isa na akong ganap na manggagawa. Labing isang araw pagkatapos ang aming pagtatapos, opisyal na ang pagiging manunulat ko.

Ngayon, marami-raming isyu din ang kinahaharap ko bilang manggagawa tulad ng iba. Kalakip sa isyung ito ang pakikisama sa mga katrabaho, isyu sa pagbabudget ng sahod, isyu sa ilang polisiya, at marami pa. Ngunit sa kabila ng lahat, isang malaking pasasalamat ang pagkakaroon ko ng disente at magandang trabaho na pinagpaguran ko ng halos 16 na taon sa paaralan. Alam kong bagito pa lang ako bilang isang Pilipinong trabahador. Marami pa akong matutunan at walang-wala ang isang taong karanasan. Handa akong maging isang naghihirap na manggagawa. Patuloy kong pagsusumikapan ang pagiging mahusay sa larangang pinili ko, laging may tasa ang lapis, laging may tinta ang ballpen, laging may pambura, laging may papel, at laging may pananampalataya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s