Isang Linggong Hugot

Minsan, dahil sa mga epic na nangyayari sa buhay natin, wala na tayong ibang magawa kung hindi ang humugot. Nakakabuwisit mang pakinggan minsan, hindi mo man namamalayan, ngunit nakagagawa ka na pala ng mga malalalim na pahayag na akala mo ay kaartehan lang ng nakararami.

Sa isang buong linggo, nakakuha ako ng ilang hugot mula sa mga piling-piling pangyayari sa buhay ko at mga balitang yumanig sa bansa. Heto yung mga pagkakataon na habang ginagawa mo,  nangyayari sa iyo, o nabalitaan mo ang isang bagay ay nakapagbigay ka nang hindi inaasahang banat. Narito ang pitong whogoat ng aking nakaraang linggo.

LINGGO – Naghihiwa ako ng sibuyas tapos nadamay pati daliri ko. Dumugo. Awts.

“Hindi mo talaga alam kung kailan ka masasaktan, kung masusugatan ka ba, kung gaano ito kasakit, kung madaling maghihilom, kung gaano kalala ang epekto sa iyo. Basta ngayon, mapagtatanto mong kailangan mo nang mag-ingat.”

LUNES – Umulan noong umaga, pinatuyo ko payong ko sa office. Uwian na, umaambon sa Bulacan, naiwan ko pala yung payong ko sa opisina.

“Maaalala mo lang ang isang bagay kapag kailangan mo na. Madalas nating isinasangtabi ang maraming bagay, ang mga bagay na akala mo ay nariyan lang. Tapos, kung naaalala mo at wala na pala iyon sa mga palad mo, tsaka mo lang mababatid ang tunay nitong halaga.”

MARTES – Nililinis ko yung sugat na natamo ko noong Linggo.

“Ang pagsawsaw ng iyong sugat sa ethyl alcohol ay parang pagmomove-on. Hindi mapipigilang maramdaman ang kirot at sakit, ngunit kailangan upang tuluyang maghilom at gumaling.

MIYERKULES – Hindi ko maumpisahan ang article ko. Nahihirapan ako.

“Ang pagsulat ay tulad ng pagtatapat mo sa iyong hinahangaan ng iyong paghanga. Hindi mo alam, at napakahirap umpisahan.”

HUWEBES – Tinanghal si Gerphil Flores na runner-up sa Asia’s Got Talent na minsang natalo sa Pilipinas Got Talent.

“Ang buhay ay isang malaking Pilipinas Got Talent. Maraming Kris Aquino na huhusgahan ka kahit alam mo namang hindi niya kaya kahit kalahati lang ng talento mo.”

BIYERNES – Traffic sa NLEx. May aksidente. 8:07 na ako nakapunch-in sa bundy. 8:10 ang grace period.

“Minsan, akala mo ay huli na ang lahat. Ngunit hindi mo inaasahan na mabibigyan ka pa ng pagkakataong maitama ang mga bagay kahit alam mong kaunting galaw na lang ng orasan ay maaaring katapusan na.”

SABADO – Weekend na. Pinakahihintay.

“Ang buhay ay isang roller coaster. Hindi mo alam kung kakayanin mo ba ang byahe at kung paano mo iraraos ang bawat problema. Alam mong exciting kaya ka sumakay kahit nagdadalawang-isip ka noong una. Ngunit pagkatapos mong malampasan ang lahat ng baba-taas na eksena, tsaka mo mararamdaman ang sarap at magiging proud ka sa sarili mo, dahil kinaya mo.”

Huwag kang matawa o makornihan. Alam kong mayroon ka ring naiisip na hugot. Huwag lang puro baon, hugutin mo rin para exciting.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s