Ayoko ng Kalyeserye

Wala akong dimple na malalim, hindi ako si Alden,

ngunit sa sarili kong kalyeserye, ako ay bida rin

tingin ko sa lahat ay tulad ni Lola Nidorang nakakapikon,

hanggang ngayon ay hinihintay ang tamang panahon.

Tulad ng Aldub, ang serye ko ay trending din lagi

‘Yon nga lang, mas marami ang bwisit at laging sawi

Kung ang sa Eat Bulaga ay marami ang tumatangi,

itong aking kalyeserye tiyak nagbigay na sa iyo ng ngiwi.

Kailan ba ang tamang panahon kung usad-pagong,

sinasakyan kong dyip ay di makausad ang gulong!

Ang nais ko lamang ay makauwi nang saglitan,

Diyos ko po, inabot na sa lansangan ng kinabukasan.

Minsan nga, tulad ni Yaya Dub, parang mahihimatay

Sa aking kama ay nananabik na akong mahimlay

may pumatak lamang na kaunting tubig mula sa langit,

tiyak mamaya sa sakayan ay hindi ka na makasisingit.

Wala namang plywood na nakaharang sa mga lansangan

Pero daloy ng trapiko ay wala nang galawan!

Mga kinauukulan, huwag tularan ang mababagal na Rogelio,

Maawa kayo sa amin, malapit nang magmukhang mga Quando.

Iyong road to forever malapit ko na talagang paniwalaan,

Habang buhay na mabigat na trapik, sana’y huwag naman.

Sayang din kasi iyong oras na sana ay aming nase-save,

Sa aming mahal sa buhay ay late nang nakakapag-pabebe wave.

Tanong sa sarili, kalyeserye ko ay mayron pa bang pag-asa?

Na maging tulad nang sa AlDub na lubos ang ligaya.

Sa mabagal na byahe ay walang maisipang pampalipas oras,

Eh ayoko namang magpapak nitong dala kong pastillas.

Advertisements

2 thoughts on “Ayoko ng Kalyeserye

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s