Love-Hate Relationship

“Hindi kayo katulad ng kabilang section. Ang iingay niyo.” Ito ang paboritong saway niya sa isang klase. Ang totoo, sinasabi niya yan sa lahat ng klase. Maniwala ka.

Magbibigay ng mahirap na quiz at exam. Iyong tipong mauubos ang kilay mo kakasunog sa pag-aaral. Pero pag bumagsak ka, mas problemado pa siya kung paano ka maipapasa at makatutungtong sa susunod na baitang. Alam kasi nila ang hirap ng mga magulang para sa isa pang taon sa klase.

Laging nakasermon kapag may gulo sa klase (magulong klasrum, maingay, mga estudyanteng laging nag-aaway). Pero sa oras ng kontest at iba pang paligsahan, akala mo isang milyon ang premyo sa pagka-career.

Halos buong taon niya kayong problema kasi nga kulang kayo sa disiplina. Pero sa araw ng graduation, una pa siyang hahagulgol kaysa sa inyo.

Alam kong nakagalitan ka niya, hindi lang isa, hindi lang dalawang beses. Pero sa oras na magtagpo kayo, magkasalubong, alam mong lubos ang ligaya niyang nakita kang muli. Bahagi kasi siya ng tagumpay mo ngayon.

Salamat sa love-hate relationship na mayroon tayo sa ating mga guro. Sabi nga, lahat ng pag-ibig may poot at tamis. Mabuhay kayong mga guro, kung wala kayo, walang mga propesyonal sa mundo!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s