Chances sa Buhay nina Popoy at Basha

Pagkatapos ng eight years, heto sila, nagbabalik. Parang ang pag-ibig na pilit mong tinalikuran na pagkatapos ng mahabang panahon ay muling magpaparamdam.

Ngayong Nobyembre nga, muling masasaksihan ng bayan ang kuwento nina Popoy at Basha. Marami ang nae-excite nang malaman ang nangyari sa couple na punong-puno ng #whogoat, kahit hindi pa uso ang katawagang ito noong una natin silang nakilala. Bilang fan ng kuwento nila sa “One More Chance,” mayroon din akong mga inaasahang makita sa kuwento nila. Dumaan sa matinding pag-aanalisa ang mga puntong inyong mababasa. Kung may panahon lang ako, gusto kong makapanayam si Cathy Garcia-Molina para iberipika ang mga punto kong ito.

 

– Uso mag-diatabs, Basha.

Okay, ang LBM talaga ni Basha ang pinagmulan nang pinakamatindi nilang away e. Kahit totoong kumukulo na ang tiyan ni Basha, namayani pa rin ang praning na si Popoy. Sa bagay, hindi ko naman masisisi si Popoy na hindi paniwalaan ang LBM excuse.  Sa opisina kasi, isa nang common reason ng sick leave ang LBM, at 1% na lang ang naniniwala doon.

 

-Huwag maramot sa balat ng manok, Popoy.

Feeling ko rin, dahil sa balat ng manok napuno si Basha e, doon sa eksena nila sa opisina nila habang kumakain tapos inagaw ni Popoy ang balat ng fried chicken kay Basha. Dyoskopo! Nakakainis nga yun! Ang pagkain ng pritong manok nang walang balat at parang pagkain ng pansit na walang noodles. Kung ako si Basha, pepektusan ko sa vas deferens tong si Popoy. Napakasugapa sa balat ng manok. Balat ng manok o syota, mamili ka! (Heneral Luna’s voice)

 

– A la Face To Face

Isa sa highlight ng kuwento ni Popoy at ni Basha ay yung mga bangayan nila. Isa ito sa pinaka-relatable scenes sa pelikula. Ang tindi lang nila mag-away! Sa teaser nga ng sequel, hanep, pati pagbabayad ng bill sa meralco, pinag-aawayan pa. Magbabayad na lang oh, iyong iba nga walang pambayad. May batuhan din ng plato at appliances sa official trailer. Wow! Si Tyang Amy na lang talaga ang kulang, face to face na eh.

 

-Unli Chances?

One More Chance na, A Second Chance pa. Iyong totoo? Ilang chances pa? Nagtext ba sila ng CHANCES sa 8888 at nag-EXTEND pa? Pero ganun daw kasi yun, kung mahal mo ang tao, pagpapasensyahan mo. Pero sana, sa pagkakataong ito sa movie, ipakita ang maturity nila at mabawasan na ang awayan. Normal na ingredient ng relasyon ang misunderstanding, parang asin at paminta. Pero kahit sa pagluluto, kung masobrahan ng pampalasa, maaaring maapektuhan ang ulam.

 

Mga kalokohang obserbasyon lamang yan sa pelikula, alam ko kasing luluha na naman ang mga manonood kina Popoy at Basha sa mga sinehan e. Pero higit pa sa maka-relate, sana ay matuto rin tayo sa kuwento ng A Second Chance. Sana matutong magbigayan, lalo na sa balat ng manok. Sana siya na lang, siya na lang lagi. Sana rin ay hanggang pelikula na lang ang ganitong klase ng masasakit na lovestory.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s