Pepe

Ako ang batayan ng paboritong sermon sa mga martir na “patatayuan na kita ng monumento sa Luneta.”

 

Ako ang paboritong paghanguan ng pangalan ng mga eskuwelahan, kalye, lugar at mga establisimyento.

 

 

Ako ang mukhang madalas isukli sa binili mong tig-499 at ang madalas na nakakulong sa iyong baboy na alkansiya.

 

 

Ako ang may-akda ng mga nobelang inaral mo noong Grade 9 at 10 ka. Pati buhay ko noong kolehiyo, nirebyu mo rin. (Alam ko rin minsan kang naasar sa ka-GC-han ko.)

 

 

Ako ang ginampanan nina Cesar Montano at Alden Richards sa telebisyon at pelikula. Ako ang orihinal na pambansang bae-yani. Hindi ba, Leonor, Nellie, at Josephine?

 

 

Ako yung na-photobomb nung isang gusali sa may Maynila.

 

 

Ako iyong namatay para sa bayan sa araw na ito, 119 taon na ang nakalilipas.

 

 

-Pepe