Date

Panay ang tingin ko sa aking relo. Sabik na kasi akong makita ka sa espesyal na araw na ito. Ganoon naman ata ang nararamdaman ko taon-taon sa tuwing hinihintay kitang dumating dito sa paborito mong restawran.

Hindi na ako makapaghintay na makita ka sa itim na bestidang binili mo online. Tulad noong nakaraang taon, simple lang din ang gusto mong isuot. Napatingin akong muli sa aking relo. Hindi ka naman late, sadyang excited lang ako at napaaga ang dating ko. Napangiti na lang ako.

Dahil sa pagkasabik ko, dalawang baso na ng tubig ang nainom ko. Sa isip-isip siguro ng waiter, paano pa ako makakakain mamaya. Binasa ko na lang ang menu habang naghihintay. Nakita ko ang paborito mong lutuing pasta. Aba, taon-taon talaga ang pagtaas ng presyo. Parang pag-ibig ko sa iyo, taon-taong nadaragdagan.

“Welcome po, narito po ang upuan ninyo.” Pagkarinig ko sa sinabi ng waiter, hindi ako nagkamali, dumating ka na nga. Napakaganda mo sa puting bestida mo. Natulala at napahinga na lamang ako nang malalim.

Tulad ng mga nakaraang taon, hinila niya ang upuan at inilalayan kang umupo. Hinalikan ka niya. Sinabihan ka niyang ang ganda-ganda mo. Inabutan ka niya ng bulaklak, stuffed toy na kinokolekta mo, at mamahaling tsokolate. Hindi mapawing ngiti at kilig naman ang tugon mo.

Tulad ng mga nakaraang taon, doon ka nakaupo sa lamesa sa tapat ng kinalalagyan ko. Habang masaya kayo sa araw na ito, ito ako at pamasid-masid lamang sa iyo. At tulad ng mga nakaraang taon, kontento na ako sa uri ng date na mayroon tayo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s