ANG TRABAHO… PARANG PAG-IBIG

Ang trabaho, tila pag-ibig. Sa una lang masarap at matamis

Sa susunod na araw at buwan ay lalabas mga bagay na nakakainis.

Problema sa sweldo, boss, bonus, at tsaka tsismis

Alam kong sa opisina marami kang gustong ihandog sa ISIS.

 

Ang trabaho ay parang pag-ibig. Suko ka na pero ipinaglalaban

kumakapit nang mahigpit, nanghihinayang sa mga pinagsamahan

maraming reklamo ngunit hindi pa handang bitiwan

nakita mo nga ang forever, ngunit sa sahod na di kataasan.

 

Ang trabaho tila pag-ibig, sa opisina’y ang dami mong kasintahan

Bibigyan mo ng oras at panahon tapos ika’y sasaktan

ganun talaga ata kasi nakukuha nila ang gusto nila sa iyo,

handang-handa ka namang sumunod, handang magpakagago.

 

Ang trabaho parang pag-ibig, gagawin kang forever bitter.

Sa sahod na di mataas, habambuhay na minimum wage earner.

Forever na contractual, hanep itong mga employer,

Kakapit ka pa ba? Huwag tanga, pwedeng sumurrender.

 

Ang trabaho ay parang pag-ibig, sa isang gabi’y sarap ang sakit

bawat kilos ay pinagpaguran, bawat galaw ay pinagpawisan

sa isang gabing walang kalas, gabing tila nasisiraan ng bait

umaasa na makuha ang katas, katas na iyong pinaghirapan.

 

Ang trabaho ay tila pag-ibig, dapat mo nang wakasan

bakit pa ipagpapatuloy kung ikaw ay nasasaktan?

sa iba pa ay matuto ka sanang lumingon,

doon ka sa bibigyang halaga ang iyong panahon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s