Brownout

Tag-ulan na naman kaya uso na uli ang biglaang mawawalan ng kuryente. Tulad ngayon, alas-8 ng gabi at kalagitnaan ako ng panonood ng teleserye. Ikinaiinis ko pa, ang pagkuha ng kandila at posporo sa kusina.

Madilim. Tahimik. Malamig. Sound effects na lang, puwede nang entri sa MMFF. Pero totoo, takot talaga ako. Iniisip ko ngang tiisin na lang ang dilim pero mas nakakatakot ata. Naglakas loob na akong lumakad. Paunti-unti… Mababagal na hakbang… Bali nang matagalan basta ligtas lang akong makarating sa kusina.

Konti na lang… Mga apat na hakbang… Dahan-dahan lang… Isa… Dalawa…. Tatlo… Ahhhhhh… Napahinto na lang ako. Nanlaki ang mata. Hindi nakagalaw. Pinagpawisan nang malagkit. Di na muling naihakbang pa ang paa. Kapag minamalas ka nga naman! Lintek! Isang ipis na naman ang lumabas ang kalamnan at pinaliguan ang aking talampakan!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s