Balitang-balitang Pag-ibig

Kung ang damdamin ko sa’yo ay ilalagay sa dyaryo,

Ikaw lang ang laman, mula harapan hanggang obitwaryo.

Maaari ding sa telebisyon ay mapanood mo,

hanggang oras na beinte-kuwatro, ipapatrol ko.

 

Para nga ring isang adik ang pag-ibig na ito,

parang pusong sawi na bumulagta na lamang sa kanto.

Sana may CHR ang mga pusong pinagkaitan,

upang may tagapagtanggol ang mga damdaming sinaktan.

 

 

Oplan tokhang ay minsan ko na ring hinintay,

upang katukin mo itong puso kong nalulumbay.

Ngunit ikaw ay tila isang pulis na mataas ang ranggo,

Kailan ba lalambot ang iyong pusong bato?

 

 

Huwag kang mag-alala, ayoko sa de LIMA,

sapagkat sa aking puso ikaw ay nag-iisa.

Para sa akin ikaw ay kasing seksi ni Mocha,

handa kang bigyan ng triplets tulad ni Inday Sara.

 

 

Kung si Marcos di alam kung saan ang huling hantungan,

damdamin ko naman sa iyo’y tiyak na walang hangganan.

Kahit ako pa ay gisahin nila doon sa Senado,

Damdamin ko’y di mawawala kahit dalhin sa hotel na Mcdo.

 

 

Hindi naman ako gutom kaya ako’y pakinggan,

sa mga sasabihin ko ay wala nang bawian.

Hindi na kailangang ipaliwanag nang kung sino man,

Siguradong tunay sa aking nararamdaman.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s