Pusuan Mo

“Buti naman at nakarating ka!”

Magkahalong kaba at tuwa ang narinig ko kay Rolando nang sambitin niya ito. Ngayong gabi kasi ay tatakas kaming dalawa. Ang araw ng mga puso ay siya ring araw nang paglayo namin sa kaniyang mapang-alipustang pamilya.

“Oo naman. Hinding-hindi ko palalampasin ang gabing ito. Matagal ko itong hinintay,” hindi mapigilang ligayang sagot ko kay Rolando.

Mula sa mayamang pamilya si Rolando. Sila ang pinakamakapangyirahang pamilya sa aming probinsya. Alkalde ang tatay niya habang isang malupit na negosyante naman ang kaniyang ina. Napalapit ang loob namin nang minsang umahon sa bundok si Rolando kasama ang kaniyang ama upang mangampanya.

Hindi ako ang gustong babae ng pamilya ni Rolando para sa kaniya. Ayaw nila sa isang taga-bundok na tulad ko. Kaya naman ang naging solusyon na lamang namin ay ang takasan ang kaniyang pamilya at magpakalayo-layo.

Malamig ang gabi. Tanging ang lagaslas ng mga punong sumasayaw sa hangin ang naririnig namin. Tanging ang buwan ang nagbibigay liwanag sa aming paglalakbay. Ngunit ramdam ko ang ligaya niya, ligaya niyang makasama ako sa araw ng mga puso. Gayun din naman ako. Walang mapagsidlan ang nadarama kong tuwa.

“Ibibigay ko sa iyo ang buong puso at buhay ko. Magsasama tayo habambuhay,” malambing na sabi ni Rolando.

“Iyon naman ang kailangan ko. Ang puso at buhay mo,” sagot ko kay Rolando. Kasabay nito ay inilabas ko ang aking matatalas na kuko at itinarak sa kaniyang dibdib. Sa wakas, matapos ang mahabang panahon, muli akong nakatikim ng isang sariwang puso, at sa araw pa ng mga puso!

Advertisements

5 thoughts on “Pusuan Mo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s