Kabit at Korupsyon

Kabit at korupsyon, parehong problema ng lipunan,

masakit ang manakawan, aray kung pagsabayin o iwan.

Kung ako ang tatanungin ay wala namang pinagkaiba,

kung uunawain mo’y mabubuwisit kang talaga.

Kabit at korupsyon ay lubhang magkatulad.

Ang ahas ng relasyon ay tila bulsa ng magnanakaw,

imbes na sa iyo lang ang pagmamahal napunta pa sa iba,

sa alokasyon ng pondo at pag-ibig, sa maling tao napunta.

 

Paano mo pa pagtitiwalaan sa usaping pera ang nangagaliwa?

Malamang sa asawa’y hindi nag-aabot nang tamang pera,

kailangan pa kasing mag-abot sa kaniyang number two,

at di ba ang tawag mo sa ganito ay “manloloko?”

 

Ang mga naghahanap pa nang iba ay hindi makontento,

gayundin naman ang mga magnanakaw ng pondo.

Hindi mapakali sa atensiyon nang isa kaya humanap ng kerida,

Hindi nasiyahan sa kanilang yaman kaya nagnakaw pa pera.

 

Huwag kang mangangalunya, utos ng Diyos,

ayan ang sabi sa Kaniyang ika-anim na utos.

magbasa ka ng Bibliya, kasama sa top ten,

Ang pagnanakawan ay malaking kasalanan din.

 

Kung sa ganitong tao ika’y naniniwala,

Baka nais mong aralin uli ang salitang tiwala.

Kung talagang tapat ang mga namumuno sa bansa,

maging sa usaping pag-ibig ay alam nila dapat ang tama.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s