Pusuan Mo

“Buti naman at nakarating ka!”

Magkahalong kaba at tuwa ang narinig ko kay Rolando nang sambitin niya ito. Ngayong gabi kasi ay tatakas kaming dalawa. Ang araw ng mga puso ay siya ring araw nang paglayo namin sa kaniyang mapang-alipustang pamilya.

“Oo naman. Hinding-hindi ko palalampasin ang gabing ito. Matagal ko itong hinintay,” hindi mapigilang ligayang sagot ko kay Rolando. Continue reading

Advertisements