Ang Hashtag ng mga Millennial

Kung mayroong pangakong hindi nagbabago sa mundong ibabaw, tiyak akong ang bagay na iyon ay ang pagbabago. Pagbabago lamang ang permanenteng bagay dito sa daigdig. Lahat ay dumaranas ng pagbabago mapabuti man o mapasama—sakop na nito ang pag-iisip ng tao, ekonomiya, klima, at maging ang takbo ng damdamin mo. Isa nga sa mga malalaking pagbabagong naganap sa mundo ay ang pagdating ng teknolohiya. Layunin ng makabagong teknolohiya ang pagaanin ang buhay natin kumpara sa kung ito noong mga nakaraang panahon. Naging sunod-sunod ang imbensyon ng mga makabagong gamit na talaga namang nagpadali sa pamumuhay ng sangkatauhan. At kung mababanggit ang teknolohiya, hindi maisasantabi ang mga millennial– ang sinasabing henerasyong namulat at nabubuhay sa panahon ng makabagong teknolohiya. Continue reading

Advertisements