Ang Hashtag ng mga Millennial

Kung mayroong pangakong hindi nagbabago sa mundong ibabaw, tiyak akong ang bagay na iyon ay ang pagbabago. Pagbabago lamang ang permanenteng bagay dito sa daigdig. Lahat ay dumaranas ng pagbabago mapabuti man o mapasama—sakop na nito ang pag-iisip ng tao, ekonomiya, klima, at maging ang takbo ng damdamin mo. Isa nga sa mga malalaking pagbabagong naganap sa mundo ay ang pagdating ng teknolohiya. Layunin ng makabagong teknolohiya ang pagaanin ang buhay natin kumpara sa kung ito noong mga nakaraang panahon. Naging sunod-sunod ang imbensyon ng mga makabagong gamit na talaga namang nagpadali sa pamumuhay ng sangkatauhan. At kung mababanggit ang teknolohiya, hindi maisasantabi ang mga millennial– ang sinasabing henerasyong namulat at nabubuhay sa panahon ng makabagong teknolohiya. Continue reading

Advertisements

Ang Pagbabalik ng Superhero ng Muzon

Hilig naming manood ni Tatay ng mga pelikula at palabas sa telebisyon na tungkol sa mga superhero. Nariyan ang may kakaibang lakas na si Superman, ang may pambihirang bilis na si The Flash, at iyong may magarang baluti na si Iron Man. Lahat sila ay idolo namin!

Natatandaan ko pa nga kung paano namin gayahin ang mga pakikipaglaban ng mga superherong ito sa masasamang loob. Sinusuotan ako ni Tatay ng kapa, iyong kumot na bagong almirol ni Nanay.Nakikita ko ring napapakamot na lang si Nanay tuwing makikitang nakakabit na sa likod ko ang paboritong kumot niya.

Continue reading

Pepe

Ako ang batayan ng paboritong sermon sa mga martir na “patatayuan na kita ng monumento sa Luneta.”

 

Ako ang paboritong paghanguan ng pangalan ng mga eskuwelahan, kalye, lugar at mga establisimyento.

 

 

Ako ang mukhang madalas isukli sa binili mong tig-499 at ang madalas na nakakulong sa iyong baboy na alkansiya.

 

 

Ako ang may-akda ng mga nobelang inaral mo noong Grade 9 at 10 ka. Pati buhay ko noong kolehiyo, nirebyu mo rin. (Alam ko rin minsan kang naasar sa ka-GC-han ko.)

 

 

Ako ang ginampanan nina Cesar Montano at Alden Richards sa telebisyon at pelikula. Ako ang orihinal na pambansang bae-yani. Hindi ba, Leonor, Nellie, at Josephine?

 

 

Ako yung na-photobomb nung isang gusali sa may Maynila.

 

 

Ako iyong namatay para sa bayan sa araw na ito, 119 taon na ang nakalilipas.

 

 

-Pepe

Bulong-bulungan

Tulad ng mga nakaraang araw, isang malakas na sigaw ang gumising kay Jane. Bulyawan ng mag-asawa nilang kapitbahay ang nagsisilbi niyang alarm clock halos araw-araw. Tagos sa mininipis na dingding ang ingay ng sigawan gayundin ang bawat dabog at lagabog. Kung hindi naman mula sa mag-asawa, ang maagang rambulan ng mga lasing na tambay o di kaya ay tawanan ng mga magkukumare na maagang naka-duty sa kanilang tsikahan ang gumigising sa kaniya. Continue reading

Eskuwela

photo from: https://www.flickr.com/photos/joaolavinha/10145623065/in/photolist-gswYgB-qrrMNT-eVAKyZ-4DiK5n-6G4RZg-9XDQ8C-ots51E-djcy6x-qAnWrX-8n8MTr-7Mdq9q-chFGuG-abdnH9-8A5baV-s9wGVi-rv8ucp-pQRV6a-bvq19P-rv8t7Z-zZvy5-KYSmi-9rF1Va-79BxXS-8m6tP4-h3VXJ-8Lkq2y-6DCvD7-qCTvVF-dtL5WS-cjj997-NqgBd-4SFYdF-f9PtPC-9eoGN1-oLHUL-e8w8RB-6HN4aJ-bubdH9-hVpTY3-dsWrz4-7MQb4U-6PHZ5M-azS7Kv-m2bdt5-qgoaSi-rdFobr-soR4Q2-4on86F-62RCpX-dCSXnc

“Oh heto, nahalungkat ko iyong class picture natin noong grade 3. Sobrang totoy at nene pa tayo noon.” Tumawa tayo nang sabay at tumingin sa larawan na parang pinandidirihan ang mga hitsura natin dati. Lumapit ka sa akin at humawak sa balikat ko at sinabing hindi mong malilimot ang taon na kami ay nasa grade 3. Continue reading