Change is Coming: Ang Hugot ng 2016

Naging makulay ang taong 2016 para sa mga Pilipino, mula sa mundo ng politika, showbiz, ekonomiya, at edukasyon. Hindi maikakailang napakaraming pangyayari ang maaaring panghugutan ng mga Pilipino upang ilabas ang kanilang mga nararamdaman at opinyon sa isang malikhaing paraan.

Dahil ang hugot ay isa sa mga paborito kong libangan at labasan ng mga kirot at saya ng buhay pag-ibig ko, nakaisip ako ng sampung hugot na angkop sa unang sampung buwan ng 2016, ayon na rin sa mahahalagang bagay na naganap sa bawat buwan. Continue reading